- PBA Finals Game 6 Ginebra vs Meralco
- PBA Finals Game 5 Ginebra vs Meralco
- PBA Finals Game 4 Ginebra vs Meralco
- PBA Finals Ginebra vs Meralco Game 3
- PBA Finals: Ginebra vs Meralco Game 1
- PBA Replay Ginebra vs San Miguel
- PBA Replay: Ginebra vs Alaska
- Gilas vs Qatar Replay
- FIBA Asia: Gilas vs Iraq
- Gilas Pilipinas vs China – FIBA Asia Cup
Ginebra nilasing ng gatas na Alaska
- Updated: April 13, 2014
Muli na namang mamayagpag ang tikas ng Alaska Aces ng tibagin nilang muli ang matatag na line-up ng Barangay Ginebra.
Sa tindi at igting ng depensa ng Alaska, nagkumahog ang Ginebra na makakuha ng mga puntos at nag agwanta na lamang tumira sa labas subalit hindi naman magawang ipasok. Tanging si Greg Slaugther lamang ang buong tyagang sumasalaksak sa loob upang maibuslo ang bola.
Subalit kailangan nyang pag hirapan ang kanyang mga puntos sa sobrang tatag ng depensa ng Aces. Madalas pa ay kailangan pa din ni Greg na kunin ang kanyang puntos sa free-throw line.
Nawalan ng power ang Gin Kings import na si Josh Powell dahil sa kanyang injury sa paa, kaya nag tiyaga na lamang ang Ginebra sa kanilang All-Filipino line-up sa second half. Subalit hikahos sa lakas at enehiya ang Gin Kings kaya naman sila ay animo’y lasing na ipinagpag ng Aces.
Pinangunahan ni Rob Dozier ang Gatas Republik na nagtala ng 22 puntos. Siya ay tinulungan ni Jayvee Casio at Dondon Hontiveros na pumuntos ng 13 at 10. Maganda ang ikot ng bola ng Alaska, katunayan hindi makadepensa ng maayos ang Ginebra.
Kapag nasa naman Ginebra ang bola, hirap na hirap naman silang makakuha ng puntos dahil sa tindi ng depensa ng Aces. Muling namayani ang tandem ni Calvin Abueva at Gaby Espinas, sa pagdepensa sa kalaban. Napakalakas at hindi matinag tinag.
Katunayan, matapos ang second quarter na may score na 25-15, hindi na bumaba sa sampu ang kalamangan ng Alaska. Wala talagang binatbat ang Ginebra sa Alaska. Tinambakan lamang sila at hindi na magawang habulin ang kalamangan ng Aces.
Salamat na lamang sa Globalport at tinalo nila ang Barako Bull, kung hindi baka naunsyami pa na makapasok ang Gin Kings sa quarterfinals. Dahil sa panalo ng Globalport, nakasigurado ang Barangay Ginebra sa quarterfinals subalit nanganganib pa na mangulelat sa pang 7 or 8 sa standings na may twice to win disadvantage.
Magkaganun man inaasahan pa din na babawi ang Ginebra dahil sila ay NSD team.
Napakagandang pagkapanalo naman para sa Aces sapagkat sila’y nabuhayan ng loob na makuha ang top 2 spot kung sakaling maipapanalo pa nila ang kanilang mga susunod na laro.